Ang "dap-ay" ay isang relihiyo-pulitikal na institusyon sa tradisyunal na lipunang Kankana-ey sa Cordillera. Sinasagisag ito ng isang pabilog na batuhang platform na matatagpuan sa sentro ng mga ili (village) . Binubuo ito ng mga pamilya sa isang prtikular na lugar. Mga puno ng pamilya (am-ama) ang kumakatawan sa kanila sa tuwing magtitipon sa dap-ay. Dito pinag-uusapan at pinagpapasyahan ang mahahalagang bagay/usapin patungkol sa kaayusan at kagalingan ng buong komunidad. Isang talastasang bayan at pagbabayanihan, kung gayon ang diwang nanunuot sa dap-ay...diwang gumagabay din sa ating pagbabahaginan dito sa sayt ng "Pilipinolohiya". "Dap-ayan" (i.e. lugar at kolektibo) ang dalumat na babalangkas ng gawain nating ito...tungo sa pag-iibayo ng kapantasang Pilipino. Halina at makilahok! Pagpupugay at parangal sa Kapilipinuhan!
| |||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||



